tapos na ang battery examination namin. of course, i am quite confident that i will pass because pinaghirapan ko din naman kahit papano ang battery exam though i can say, i did not really exert that much effort that i know i can because tinatamad lang ako. ibig kong sabihin, there are times na mas pinili kong manood ng pelikula sa laptop, maglakwatcha or matulog kaysa mag-aral dahil sa iba-ibang rason kasali na ang katamaran at katamaran pa rin (to be named pa ang iba). hm. pero ang bottomline, pinaghusayan ko ang pag-aaral sa mga panahong nag-aaral ako. pero yun pa rin, alam kong hindi ko binigay ang 100% ko sa pag-aaral. pero atleast, binigay ko naman ang 100% ko sa pagtake ng exam yun nga lang with a twist. kasi nung first day, ang goal ko ay dapat una akong makapasa ng test paper, huling makapasa naman nung second day at wala akong goal basta makapasa nung last day. hm.
moving on, ayun na nga. lumabas na ang results last week or last last week pa ata and hindi ko pa alam kung ilan ang nakuha kong percentage or average. ang alam ko lang ay nakapasa ako at nakapasa ako with flying colors. initial reports from my classmates ay topnotcher ako. kung oo man ay pinapasalamatan ko ng so much si Bro sa isa na namang biyayang binigay niya. haha. salamat po! at natutuwa din naman ako dahil kunti lang ang hindi nakapasa pero mas masaya siguro kung lahat kami pasado. sayang. dapat sa board ay 100% passing na kami. hm. basta yun thank you Bro.
pero ewan ko ba, hindi ako ganun ka-enthusiastic. kasi sabi ko nga sa sarili ko before ng test. hindi ko target ang top. ang target ko lang makapasa. hindi ko target dahil sa isang rason, kasi alam ko na kapag nag-top ako sa battery ay lalaki ang expectation sa akin ng mga kaklase ko (siguro) pero mas lalaki ang expectation ng teachers ko (sigurado) at ayaw ko yun dahil ayaw kong malunod sa expectations ng ibang tao. sa expectation ko sa sarili ko pwede pa. haha. pero binigay ni Bro kaya i'm bracing for more challenges ahead na alam kong makakaya ko (hopefully).
ngapala, sinabi ko din kina mama ang result habang nagmomother's day celebration kami sa SM Biggs. hindi siya nagulat. sabagay sabi niya nga before pa man magtake ng test ay kayang-kaya ko daw at magtotop pa ako. sabi ko noon overconfident naman si mama. hm. pero nakakalungkot. wala akong narinig na CONGRATULATIONS. hm. hindi naman ako humingi ng materyal na kapalit at hindi na rin ako humuhingi ng kapalit tuwing may 'achievement' ako dahil ayaw ko silang nahihirapan ng ganun pero ang ipagkaiit ba naman ang one word sa akin?? hm. sa napakaraming nag-congratulate sa akin, wala yung taong inaasahan ko. nakaksama ng loob pero life must go on.
pero eto pa isa, nabasa ko ito sa social work students group ng bucssp sa fb:
feeling ko dapat compliment ang mga statements sa ibaba pero ewan ko ba. parang na-offend ako (feeling ko mali ang term na ginamit ko) pero hindi lang ako masaya. nawawala din kasi ang elemet of 'surprise' kumbaga at isa pa ay isa itong expression ng expectation sa akin. kitams 'as expected' daw. hm. pero gayunpaman, salamat pa rin sa compliment dahil alam kong ang hangarin nina ate doris, kuya jade, melvz, argz ay para icongratulate ako.
hm. ewan. nalulungkot (pero parang mali pa rin yung term) ako sa bagay na dapat ay kinatutuwa ko. pero sandali, hindi yun eh. narelize ko, nalulungkot ako hindi sa pagiging top sa battery pero sa consequences na dala nito. yun. fitting na ata yun.
hm. kelangan ata mas magfocus na muna ako sa pagiging masaya sa kinalabasan kaya again, salamat kay Bro sa isa na namang blessings at mas pagbubutihan ko pa. congratulations din sa lahat ng nakapasa!
0 comments:
Post a Comment