26.4.11

semana santa

Holy Monday, Holy Tuesday, Holy Wednesday, Maundy Thursday, Good Friday, Black Saturday at Easter Sunday. tapos na ang mahaba-habang bakasyon para sa ilan samantalang isang nagtapos na pagkakataon naman ang tingin ng iba sa semana santa upang magnilay-nilay, magpasalamat, humingi ng tawad at panahon upang mas lalo pang palakasin ang kanilang paniniwala sa Diyos na siyang ugat at puso ng selebrasyon ng buhay at kamatayan ni Hesukristo. kumbaga eh, balik na tayo sa kanya-kanya nating buhay sa mga panahong ito.

hmm. masasabi kong kahit papano ay naging makabuluhan ang semana santa sa akin. kahit na nagkaroon ako ng sakit sa halos buong linggo ay hindi ito naging hadlang para ako ay makapagpasalamat sa Diyos - sa mga biyayang patuloy niyang binibigay kasabay ng mga pagkakataon at oras, sa pamilyang meron ako at sa mga kaibigang nakapaligid sa akin at sa lahat ng bagay at hindi mabilang na rason kung bakit dapat siyang pasalamatan. Humingi din ako ng tawad sa mga kasalanang nagawa ko sinasadya man o hindi, sa mga pagkukulang at sa mga panahong nakasakit ako ng iba. Sinabay ko din ang paghingi ng patuloy na gabay mula sa kanya sa ano mang bagay na ginagawa ko. at higit sa lahat, patuloy na ginagawang inspirasyon ang mga ginawa niya hindi lamang para sa aking sarili kundi kahit maging para sa iba. masasabi ko din naman na hindi na bago ang ginawa ko dahil lagi-lagi ko naman itong ginagawa sa tuwing magdadasal ako at higit sa lahat ay sinasabayan ko ng aksyon para masa maging makabuluhan ang mga bagay-bagay.

katulad ng mga nakaraang semana santa ay pumunta kami sa Sipocot, hilaga ng Naga at Camarines Sur. sa bayan ni papa at ang lugar kung saan naman nagttrabaho si mama. dun talaga kami nagpupunta tuwing holy week. isang rason na marahil ay ang pagkakaroon ng pamilya ni papa ng alagang santo (Maria Salome - nakalarawan sa ibaba subalit ang larawan ay kuha sa Polangui, Albay) na isinasali sa prusisyon tuwing miyerkules santo at biyernes santo. pero tuwing biyernes santo lang naman kami nandun. Dahil nandun kami at nandun ang mga pinsan (first at second), mga lolo at lola (kapatid ni lola) at mga anak nila ay para na rin kaming nagreunion. sabi nga ni mama, noon daw ay kapag biyernes santo, bawal ang maingay. dapat tahimik ka lang at nagdadasal. pero ngayon, ang ingay namin, napuno ang bahay ni lolo badong (kapatid ni lola) ng tawanan at tawanan pa rin dahil na rin sa kwentuhan pati ng pikchuran. bago nga kami umalis ay sinuggest ko at ni Ate Dianne na sabihan sila lola at mga kapatid niya na magpagroup picture dahil napakabihira nilang makumpleto dahil sa paminsan-minsang away nila. gayunpaman masaya talaga.

siyempre dahil nandun na kami ay nagprusisyon kami. medyo nalate kami pero siyempre nakahabol pa rin. habang nagpuprusisyon ay tumitingin ako sa paligid ko at nag-obserba. napagtanto ko na iba-ibang tao ang nasa paligid ko, iba-ibang tao na may iba-ibang rason kung bakit nagpprusyon sila. merong mga sumama lang dahil nandun ang mga kaibigan o kung hindi naman ay ang pamilya. meron namang sigurong napilitan lang o kung hindi naman kaya ay mas pinili na lang na magprusisyon kesa manatili sa bahay at mabagot pero meron din namang naglalakad para magdasal. sa isip ko, marahil iba-iba din ang ipinagdarasal namin, iba-ibang mga kahlilingan pero iisang direksyon ang aming tinatahak. sa isip ko ulit, "kung ganito ang tao - naglalakad patungo sa isang direksyon kahit iba-iba man ang mga kahilingan, pinagdadasal, motibo at maging paniniwala, siguro makakamit natin ang kapayapaan at kaunlaran hindi lamang sa buong pilipinas kundi maging sa buong mundo." Malayo-layo din kahit papano ang prusisyon pero mas nadama ko ito ng ako na mismo ang isa sa apat na taga-buhay ng andas o karo ng santa ng pamilya. datirati ay sina papa, mga kapatid niya at mga kamag-anak lang nila ang nagdadala pero ngayon kasali na kami ni don-don ang aking nakababatang kapatid. oo, mas mahirap. mabigat pero pagkatapos ay rewarding na nabuhat mo at nakaya mo kahit sa hindi katagalang panahon kumpara sa ibang taga-buhat. sa aking pagbubuhat ay may napagtanto na naman ako, na kailanman, "hindi kaya ng iisang tao na buhating mag-isa ang anumang responsibilidad, mas madali at mas maganda kung tulong-tulong kayo at sabay-sabay sa paggawa tungo sa pagtupad ng responsibilidad."

well, so much for the realizations but i guess it's the all-abouts of lent. for us to realize the truths and beauty of life in the image of God. i hope you too had a meaningful and wonderful holy week. :D

photos taken from the fb account of sir dennis mirabueno (without permission because i'm shy. haha. sorry sir.)

0 comments: