26.1.11

pagbitiw

sa kabila po ng ilang imbitasyong aking natanggap mula sa aking kinaaanibang partido na BU League of Democrats (BU Leaders) na tumakbo muli para sa parating na college student council election, nagdesisyon po ako na wag na munang tumakbo sa anumang posisyon sa konseho ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng pamantasan ng bicol - kolehiyo ng agham panlipunan at pilosopiya. nais ko pong iparating ang aking taos pusong pasasasalamat sa bu leaders sa tiwalang kanilang ibinigay mula pa noong ako'y nag-uumpisa pa lamang at sa kanilang tiwala hanggang ngayon. hangad kong manatili bilang miyembro ng partido sa mga susunod na halalan subalit hindi ngayong halalan dahil sa sensitibong posisyong aking hinahawakan bilang isa sa dalawang mag-aaral na miyembro College Electoral Student Board. gayunpaman, nais ko ding ipaalam na tumanggi ako sa kadahilanang GUSTO KO PO MUNANG PAGTUUNAN NG PANSIN ANG BUHAY PAG-IBIG KO SA SUSUNOD NA ACADEMIC YEAR! maraming salamat po!
-outgoing CSSP CSC Representative Russ Daniel O. Baldoza


ang drama ko naman. haha. pero grabe ang rason ko ano? para sa lovelife? pero sympre kung ganun mo ako kakilala, sasabihin mong hindi ako ganun kababaw. eto lang muna ang sasabihin ko sa ngayon, MAY MGA BAGAY NA KAHIT GUSTO PA NATING IPAGPATULOY AY KAILANGAN NATING TUMIGIL MUNA. HINDI DAHIL AYAW NA NATIN O UMAAYAW NA TAYO KUNDI DAHIL KINAKAILANGAN NATIN. MAY MGA PAGKAKATAON SA ATING BUHAY NA KAILANGAN PUMILI SA PAGITAN NG DALAWANG, TATLO O KAHIT ILANG BAGAY NA HAWAK MO. HINDI PWEDENG PALAGI MO SILANG HAWAK. AT DUMATING NA AKO SA PUNTONG YUN. marami akong gustong sabihin pero sa mga susunod na post na lang yun.

0 comments: