sinadya ako ni lola sa legazpi nung tuesday ata yun. pinauwi ako ng lunchbreak sa boarding house kahit na hindi na ako umuuwi sa bhous kapag lunch dahil mabuti ng kasabay ko ang mga kaibigan ko sa pagkain kaysa wala akong kasabay at sayang ng 6 pesos na pamasahe. akala ko kung ano, yun pala eh mangungutang si lola. nagulat ako ng una dahil wala pa naman akong trabaho na nagsasahod na na pwedeng magpahiram sa kanya. pero alam niyang may pera ako dahil sa refund na natanggap ko sa pagiging academic scholar. siyempre, dahil hindi naman ako pinalaking sinungaling at ganid (kung tama ang term ko) sa pera ng mga magulang ko ay binigay ko kay lola ang 3,000 pesos na ipon ko galing sa mga allowance at refund ng scholarship. sabagay, hindi naman yun lalapit si lola kung meron siya o kung hindi talaga ganun kailangan. binigay ko na kay lola kahit na may alinlangan ako kung magbabayad pa siya. pagkauwi ni lola ay sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako mag-eexpect na babayaran yun. sabi ko na lang sa sarili ko na pera naman yun at madali lang yung makuha ulit lalo na kapag nakagraduate na ako. pero ang ipinagtaka ko ay bakit ng bilin siya na wag sasabihin kay mama na nag-utang siya. tsktsk. pero sinabi ko pa rin kay mama ang mga pangyayari at sinegundahan niya ang naiisip ko na hindi na yun ibabalik.
well, ganun pa man. feeling ko tuloy bigatin na ako. inuutangan na ako ni lola?! parang may trabaho lang eh at sumasahod buwanan. haha. isa na namang first time - pinautang ko si lola. ang wish ko lang, sana ay gamitin niya ng maayos ang pera makabalik man or hind sa akin. :D
0 comments:
Post a Comment