Today
is the 5th day of October, 2011. WORLD TEACHERS’ DAY! Kaya HAPPY TEACHERS’ DAY sa past and present
mentors and professors ko simula pa noong isang hamak na bata pa lang ako.
Well, the day started just right. Just right pero late pa rin ako sa aking 8:00
am appointment with Laisa. Sabi na nga ba at wag dapat magpapaniwala sa mga
oras na sine-set ng College Student Council because the Surprise Tribute
Program for the faculty members started at 9:15 am, 1 hour and 15 minutes late.
Kakahiya sa faculty and nakakasayang ng effort. Well, maayos naman ang program
and I did my part habang humihingal. As the president of HWA (organization of
all social work students), I was asked to give a testimonial to our faculty
members. English! Wohooo! Pero feeling ko mas benta kung Filipino or even Bicol
pero at the back of my mind kahit anong language naman kasi what matters most
is the content of the message. So yun, everything just turned out well with my
personal favorite mentor winning the Female Fashionista Award for Faculty
Members! Rock on si madam vidz!
In
the afternoon, basag-ulo, bukas utak, pagod katawan at gutom tiyan ang epekto
ng findings, diagnosis at findings and diagnosis sa paggawa ng case study. ANG
HIRAP! After the subject, Sir Guab (ethics professor) meet us and naglabas ng
hinanakit. Tsktsk. Anyway, pagkatapos ay nag-asikaso para sa group dynamics
field exposure naming sa Friday kung saan magfafacilitate kami for the third and
last time sa Bascaran National High School, which can be found in the upland
Daraga. Ang topic: SELF-AWARENESS. Isa namang nakakapagod pero masaya at
fulfilling na araw ang magaganap by helping the students become better
individuals through knowing more about themselves.
Ngayon,
sa baba ay mababasa ang blow-by-blow account ng pangyayaring hindi ko
inaasahang mangyayari. BAD TRIP! Haha. Pero ayos lang.
5:30
PM – Pumunta sa LCC Daraga para magpaprint ng certificates para sa Friday.
6:00
PM – Hindi pa rin kami nakakapaprint
dahil sa technical error at madaming customers.
6:30
PM – Sa wakas ay piniprint na ang aming certificates.
6:35
PM – Binigyan ako ni angel ng pudding pie at nanlibre din si diane ng banana
cake at pudding pie habang hinihintay ang certificates.
6:40
PM – Nag-shopping kami ni Diane (aka Ms. Beautiful) ng prizes for the Saturday
activity.
6:50
PM – Sinabihan namin si kuya sa paprintan na icut ang certificates namin and he
generously did.
6:52
PM – Pumunta si Diane sa department store para tumingin at bumili ng notebook
na pandagdag sa prize.
6:54
PM – Bumalik siya at tinawag niya akong MAHAL <3 (pero actually, she was
referring to the notebook na mahal daw at sa kabilang store na lang siya
bibili)
6:57
PM – Natapos si kuya sa pag-cut at nagbayad kami ng bayad.
6:58
PM – Pumunta kami ng JY Department Store at bumili ng notebook.
7:00
PM – Pabalik na kami ng department para sa dagdag preparation at iba pang
bagay.
7:10
PM – Nasa department na kami at nadatnan na nagpapraktis ang second year na magkakaroon
ng showcase of talents sa Friday na hindi ko mapapanood. SAYANG!
7:15
PM – Nasa HWA kami at nagtatambay habang busy si MAHAL (diane).
7:17
PM – Drinamahan ko si triina dahil pinagpalit niya na ako kay sime gamit ang
mga linya sa No Other Woman.
7:20
PM – Hinanap ko si Renna sa practice ng second year dahil gusto ko siyang
makitang sumayaw pero hindi ko nahanap
7:25
PM – Naghahanap na ako ng ibang kabubusyhan at wala si renna.
7:30
PM – Dumating si madam vidz at sumugod kami sa kanya para sa pagpapirm ng
certificates, nagkwentuhan, nagcopy ng mga movies, kumain ng biscocho, iminom
ng tubig, pinanood si renna ng advocacy video na gawa ko para sa deviant
psychology naming at kung anu-ano pang kalokohan kasama na ang kokology ni
friend.
8:30
PM – Hinatid namin si madam vidz sa sakayan.
9:00
PM – Papunta na kaming FCG (First Colonial Grill) para kumain ng dinner.
9:40
PM – Tapos ang dinner. Home bound.
****DITO
NA ANG MAINSTREAM AGONY******
9:50
PM – dumating ako at laking gulat ko ng sarado na ang gate ng nadatnan ko. Agad
akong nagtanong sa mga tao sa baba kung sino ang may hawak ng susi pero wala pa
daw. Send ako agad ng *808 kay ate Dianne at sa pinsan ko para sa tulong.
10:30
PM – zzzzzzz. Inaantok na ako habang nagpaplano ng over the bakod ko.
10:45
PM – may lumilipad na ipis na dumiretso sa mukha ko. Buti nakasara ang bibig
ko. Madilim pero alam kong ipis yun. At nag-umpisag katihin ang bibig ko.
10:50
PM – sinilip ako ni bhem mula sa terrace after one hour pagkatapos kong mag
*808, binaba niya ako at tinulungan ako sa pamamagitan ng pagkuha ng bag ko.
10:59
PM – desperado na ako at gustong-gusto ko ng umakyat. Maraming gagawin. Kung
walang tambay, nag-over the bakod na ako.
11:00
PM – inaantok na ako habang naghihintay. Zzzzzzz
11:11
PM – Nagwish ako na sana makapasok na ako agad.
11:19
PM – dumating ang may hawak ng susi at presto, nakapasok din ako. Hugas bibig,
sipilyo, blog at manonood ng movie na ako.
Well,
ang bottomline lang ata ng walang kwentang post na ito ay naumpisahan ang araw
ko sa paghihintay kaya natapos din siya sa pamamagitan ng pagpapahintay sa akon ng 1 hour and 20 minutes kung hindi ako
nagkakamali. Aba! Ayos! Grabe ang patience ko. Haha. Pasensya! Pasensya!
Pasensya! Speaking of pasensya, I was reminded of Mavic. Sino siya? Malalaman
mo din sa takdang panahon. Good night! :)
0 comments:
Post a Comment