31.1.11

january huling hirit

it's the monday and the last day of January 2011. many things happened just last week so i decided to reminisce and the things, event and even people that affected the last day of my january and the week prior to it.

JANUARY 21
our last swimming class for PE4. since its the last, we had our FINAL PRACTICUM about swimming which covered 25m Survival Swim, Knee Dive, Sitting Dive and Backstroke. well, if i passed the first practicum with flying fishes, this time i failed with dead fishes - DOUBLE DEAD fishes. but i guess my determination made a difference. atleast, i tried and i never gave up. maybe babawi ako kapag bowling na kami! wahahahaha. :p

JANUARY 23
Mamee's birthday and the day before our MIDTERMS ON A MAJOR SUBJECT. instead of studying, we partied till the morning breaks. it was my first time! and another first time, umutang sa aking ng 3k si lola for unspecified reason. of course, pinahiram ko pero i am not really hoping that she will repay me anytime soon. i just hope that she will use the money for the best things that they need.

JANUARY 31
monday again and while having our major subject - Family Welfare at AH ICTC room, the door stuck and we are locked inside the room with the windows. well, since madam france instructed us to copy first the lecture and that she will discuss the lessons later. well, when the lock incident happened, she cannot entered the room and we cannot exit from the room and this thing happened:

si madam nasa bintana at nagtatanong kung bakit naka-close ang door at hindi mabuksan.
Student: Madam, nalock po kami...
Madam: ah okay. paki-next na lang ng slide at kumopya kayo.

natouch naman ako sa pagmamahal ni madam sa lessons niya kesa sa aming mga estudyante. haha.

lastly, another quite unusual thing that happened was that the horizon was painted with color violet. i say pink, orange, peach and other colored horizon but it was my first time to see a purple horizon above. we actually took a picture of it and i was really planning to upload the picture, however, my cellphone is not working properly. tsktsk. TOMORROW is FEBRUARY! hearts will be flying for sure! :D

30.1.11

sure na daw ba ako?

pagkatapos ng makailang ulit na pagpapaawa, pagpaparinig at pagpapaawa ulit ay nabilhan na ako ng PAYONG ni mama na magagamit ko laban sa manaka-nakang pag-ulan na kadalasang nangyayari sa albay at sa labis na init na mas lalong nagpapaitim ng dati ko ng maitim na kutis. sa wakas may proteksyon na ako! haha.

well, this post is not really about my new umbrella. i just remembered an incidence that happened while we were eating our family lunch on January 16. the lunch was normal and it is just a usual family lunch on a sunday noon. but what made it unusual for me is the fact that mama asked me if i am really sure in pursuing Social Work as if she is still hoping that i will shift my career path to another profession or field. she even joked that if i want, i can become a seaman. but it really puzzled me why mama asked that question when she know for a fact that i am 98% sure of pursuing and finishing social work. what could really be the reason behind that and what are the thoughts running behind mama's mind? i really wonder. hmmm.

29.1.11

busybusy

since i'm one of the chairpersons of the three major activities for the social work festival 2011, i'm starting the preparations now. but i've started first with my proposed 'logos' (though they are not really logo) of the activity that could be used but then these three are still laid on the working table and is subjected to the comments and critiquing of the officers. i decided to post it here in my blog so that later, when the critiquing is done, i can see for myself the then and now of my proposed 'logos'.


This will be the entire cover for the Social Work Festival 2011. however,
i find it too simple and i would want suggestions from anyone on how can
i improve this like what to add and what to remove. well, the colors (collectively)
represents a flame (though it can also look like a flower) and that multi-color
flame represents the four batches of the department. the color maroon is
based from the profession's color which is obviously maroon.


this one is obviously for the showcase of talents which is composed
of the Literary, Visual, Musical and Dance Competitions and the recent
addition, the Mini-Olympics where the games to be played are
the laro ng lahi ang other recreational games. the colors still
signifies the color of the four different year levels.
Family Fest - i am the chairman of this activity and i'm disappointed
with this 'logo' i made. it's very dull (like the first one i think) and it's really
not good. SUGGESTIONS PLEASE!



i will accept honest critiquing and will surely appreciate your suggestions so that i can still improve what i had done. asahan ko ang inyong mga mungkahi. :D

28.1.11

apple of their eyes

ako ngayon ang apple of the eye ng mga kaibigan kong babae. walang isang araw simula ng taon o bago pa man mag-umpisa ang taon, basta magkakasama kami na hindi nila ako napagtitripan. ganyan talaga pag-gwapo, palagi kang napapansin (wag na kokontra. blog ko to! dun ka sa blog mo magpost ng kontra-demanda). hmm. pagkatapos ng nathan na inumpisahan mismo ng matalik kong kaibigan na si rica ay para bang naging hobby na sa kanila ang asarin at pagtripan ako. ngayon ang trip nila ay gawing profile picture sa facebook ang picture nila na kasama ako. eto tingnan nyo:



kay MAE ANNE ESTRELLA



KATRINA na pinagselosan(?) ng isa niyang bf ang pagkakasama
ko sa profile pic niya



kay ROXANNE DLS na pasimuno ng lahat.



kay AGTA na may tinatago kaya naka-private ang wall.



at kay MARGIE na pinaka-latest addition.


yan daw ay para sa kanilang kampanya para sa indigenous people's rights. tsktsk. tanggap ko naman na maitim ako pero ginamit ba para sa mga katutubo? tsktsk. grabeng manlait ang mga tao as if mapuputi sila. kaya yun, sinabihan ko sila na magBOYFRIEND na lang sila (maliban kay kat/katreena na sobra na sa boyfriends) para may pagkaabalahan sila maliban sa pangttrip sa akin.

isa pang pangttrip ay ang pagpili nila ng GIRL OF THE WEEK na ililink sa akin. unang napili nila ay si vanessa na kapag kinikilig (siguro. ewan ko. pero baka hindi man yun kilig) ay namumulang SUPER na para nang sasabog ang mukha niya at para na siyang kamatis. yung mge kaibigang babae ko lang ang nag-umpisa pero ngayon buong klase na ang naglilink sa amin. pati ang teachers pa. pero nung friday nilink na din nila ako kay marjorie at joanne bieber. next week, ang sabi nila sa akin ay si cariza naman daw. tsktsk. grabe talaga kapag walang magawa. MAGBOYFRIEND NA NGA SILA! haha. mabuti na lang at hindi ako ganun kapikon. sakay-sakay lang minsan.

hmm. pero kagaya nga ng sabi ko. KAKARMAHIN DIN SILA AT SA AKIN PA RIN ANG HULING HALAKHAK! WAHAHAHAHAHAHAHA! MARASAPA! :D


27.1.11

work-out

i am starting my 'home' gym exercises at our boarding house and i'm slowly trimming my food intake especially rice limiting it to one cup only most of the time. i guess its high time for me to get pretty serious about losing some fats especially that i have received many comments that i am becoming bigger and bigger. its high time for me to get pretty serious in losing weight if i would like to pursue my plans of joining the search for mr. bucssp and eventually the search for mr. bu some eight months away from now. its high time for me to get serious especially if i want to say yes to ate abby's modeling offer once she officially approach me. this is serious business and seryoso na ako. i'm also planning to have a jogging exercise every saturday morning at BU athletic grounds and oval to further help me in my goal while our plan to go to a fitness gym is not yet in reality. KAYA KO TO! :D

26.1.11

pagbitiw

sa kabila po ng ilang imbitasyong aking natanggap mula sa aking kinaaanibang partido na BU League of Democrats (BU Leaders) na tumakbo muli para sa parating na college student council election, nagdesisyon po ako na wag na munang tumakbo sa anumang posisyon sa konseho ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng pamantasan ng bicol - kolehiyo ng agham panlipunan at pilosopiya. nais ko pong iparating ang aking taos pusong pasasasalamat sa bu leaders sa tiwalang kanilang ibinigay mula pa noong ako'y nag-uumpisa pa lamang at sa kanilang tiwala hanggang ngayon. hangad kong manatili bilang miyembro ng partido sa mga susunod na halalan subalit hindi ngayong halalan dahil sa sensitibong posisyong aking hinahawakan bilang isa sa dalawang mag-aaral na miyembro College Electoral Student Board. gayunpaman, nais ko ding ipaalam na tumanggi ako sa kadahilanang GUSTO KO PO MUNANG PAGTUUNAN NG PANSIN ANG BUHAY PAG-IBIG KO SA SUSUNOD NA ACADEMIC YEAR! maraming salamat po!
-outgoing CSSP CSC Representative Russ Daniel O. Baldoza


ang drama ko naman. haha. pero grabe ang rason ko ano? para sa lovelife? pero sympre kung ganun mo ako kakilala, sasabihin mong hindi ako ganun kababaw. eto lang muna ang sasabihin ko sa ngayon, MAY MGA BAGAY NA KAHIT GUSTO PA NATING IPAGPATULOY AY KAILANGAN NATING TUMIGIL MUNA. HINDI DAHIL AYAW NA NATIN O UMAAYAW NA TAYO KUNDI DAHIL KINAKAILANGAN NATIN. MAY MGA PAGKAKATAON SA ATING BUHAY NA KAILANGAN PUMILI SA PAGITAN NG DALAWANG, TATLO O KAHIT ILANG BAGAY NA HAWAK MO. HINDI PWEDENG PALAGI MO SILANG HAWAK. AT DUMATING NA AKO SA PUNTONG YUN. marami akong gustong sabihin pero sa mga susunod na post na lang yun.

25.1.11

bigatin na ako.

sinadya ako ni lola sa legazpi nung tuesday ata yun. pinauwi ako ng lunchbreak sa boarding house kahit na hindi na ako umuuwi sa bhous kapag lunch dahil mabuti ng kasabay ko ang mga kaibigan ko sa pagkain kaysa wala akong kasabay at sayang ng 6 pesos na pamasahe. akala ko kung ano, yun pala eh mangungutang si lola. nagulat ako ng una dahil wala pa naman akong trabaho na nagsasahod na na pwedeng magpahiram sa kanya. pero alam niyang may pera ako dahil sa refund na natanggap ko sa pagiging academic scholar. siyempre, dahil hindi naman ako pinalaking sinungaling at ganid (kung tama ang term ko) sa pera ng mga magulang ko ay binigay ko kay lola ang 3,000 pesos na ipon ko galing sa mga allowance at refund ng scholarship. sabagay, hindi naman yun lalapit si lola kung meron siya o kung hindi talaga ganun kailangan. binigay ko na kay lola kahit na may alinlangan ako kung magbabayad pa siya. pagkauwi ni lola ay sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako mag-eexpect na babayaran yun. sabi ko na lang sa sarili ko na pera naman yun at madali lang yung makuha ulit lalo na kapag nakagraduate na ako. pero ang ipinagtaka ko ay bakit ng bilin siya na wag sasabihin kay mama na nag-utang siya. tsktsk. pero sinabi ko pa rin kay mama ang mga pangyayari at sinegundahan niya ang naiisip ko na hindi na yun ibabalik.

well, ganun pa man. feeling ko tuloy bigatin na ako. inuutangan na ako ni lola?! parang may trabaho lang eh at sumasahod buwanan. haha. isa na namang first time - pinautang ko si lola. ang wish ko lang, sana ay gamitin niya ng maayos ang pera makabalik man or hind sa akin. :D

24.1.11

partyparty

na subukan mo na bang gumimik hanggang alas-tres ng umaga at may pasok ka ng alas-nuebe at exam sa isang MAJOR subject? try mo! masaya! haha. first time kong na-try nung january 23. it was the post-birthday party celebration of mamee karleen's 18th birthday. the group (MnT friends) decided to have some post-party at chick-in the bar - have some drinks, dance and enjoy. soo, yun na nga yun. nagbar kami till 3 am regardless ng exam sa aming major subject na family welfare. plus angelo and me treat the group (semi nga lang, sabihin nating 2/3 ng expenses ay sinagot namin) because academic scholars kami this semester.

ang masasabi ko lang maraming first time sa pangyayaring ito. kagaya ng:
  • FIRST TIME MAG-18TH BIRTHDAY SI MAMEE (bakit? ilang beses ba ang 18th birthday ng isang tao?)
  • FIRST TIME NA HALOS KUMPLETO ANG GROUP (MnT) SA NIGHT-OUT WITH ONLY ROSE AND MAMEE LANG ANG ABSENT
  • FIRST TIME MAGPARTY MAGDAMAG NG MAY EXAM SA ISANG MAJOR SUBJECT KINAUMAGAHAN
  • FIRST TIME KO DING SUMAYAW SA DANCE FLOOR NG ISANG BAR (tinuruan pa ako ni melvin ng moves. yeah!)
  • FIRST TIME DIN YUNG ONE OF A KIND GAME NA NILARO. tsktsk.
  • nung exams na, FIRST TIME DING PINAGSABAY ANG DALAWANG BLOCK NG SECOND YEAR PARA SA MAJOR EXAM SA MAJOR SUBJECT
well, nag-enjoy naman ako at wala akong pinagsisisihan. nakatake naman ako ng exam at wala pang results so i'm keeping my fingers crossed. baka may himalang mangyari. haha. :D

13.1.11

ako 'to

"ako ang taong kapag hindi masaya ay maghahanap at maghahanap ng dahilan para maging masaya!"


g girls

guess what? my friends got a scholarship from Gabriela Women's Partylist. the one of the few partylist (bayan muna, anak pawis, kabataan and the bagong alyansang makabayan being the others) that actively go out of the streets, raise their placards and wave their flags whenever they would want to or maybe whenever they feel that they would have to (criticize every step of the government). going back, i heard that the scholarship grant was given to 20 students of bicol university, 10 from the sociology department and 10 from the social work department. among the 10 from the social work department, 9 to-be-scholars are my close friends namely, roxee, rose, mamee, margie, triina, mae anne, mj and poknat. they will receive a Php 5,000.00 pesos cash to 'supplement' their academic expenses upon submission of requirements pero they are expected to do their best and be of good academic standing for the semester to rally behind the partylist's objective of helping the POOR but deserving students. i wonder, pasok ba sila sa poor? tsktsk. iba na talaga ang definition ng POOR ngayon. blow-out na lang! haha. congrats Gabriela Girls or G Girls.

ps. aabangan ko ang panahon na kinakailangan niyo ng magrally at makisabay sa gabriela at kukunan ko kayo ng napakaraming litrato. haha. :D

12.1.11

failure

i am not batman, nor spiderman, nor superman (which kuya lou lauraya always referred me as whenever we would cross our paths). i'm just a ordinary guy trying to do things extraordinarily. i'm just an average guy with an almost six-feet height with an unknown weight. i'm just a regular person who exerts his best in everything that he does hoping to make the people around him and himself happy and satisfied at the end of the day. i'm just a usual guy trying to make the best out of myself and to others aspiring to be the best son to my parents (not undermining my two other brothers), best student to my teachers and mentors, best brother to my siblings, best friend to my friends and the best person to myself more than to others. i', just a guy longing for things that ordinary human longed such as appreciation. i'm just a typical guy, who in time, would erupt and say, 'hey! i'm tired! i'm tired of exerting my best yet few people appreciate it! i'm tired of the insensitivities and animosities of the people around! i'm tired and i'm just tired!' but later on would go on and convince himself that it's not worth giving-up the fight. i'm just a normal guy who would want to receive a piece of appreciation from the people he appreciate. i'm just a guy who needs a break NOW more than anything else.

today, i had the worst fight with my sister. good thing, we were able to express what we want to express and what we wanted to say. perhaps even the sentiments that had been buried in a baul had been exhumed. i was hurt. those words from her mouth broke my heart and filled my eyes with tears. iba pala sa feeling kapag sinabihan ka ng kapatid mo, who you just tried to protect, that if she will be given a chance to choose her siblings, she would crossed me out of her list. iba pala sa feeling kapag sinumbatan ka ng kapatid mo at ipinamikha sayo na wala kang kwentang kapatid despite all your efforts. iba pala talaga kapag umiyak ka dahil sa isang taong mahal mo who would, if she have a chance, delete you from her world (sa palagay ko). iba sa feeling kapag sinabihan ka ng kapatid mo na wala na siyang pakialam sayo. nakakalungkot. i feel useless as her brother. i feel as if i am a nonentity as a brother to her. i failed. those big brother comments ago? all of those were dropped when my sister doesn't even appreciate me as her brother.

but hey! if i will be given a chance to choose my siblings, i would definitely include her. i'm grateful that she is my sister and i owe to her the BIG PART of who i am today. sadly, she didn't even feel it or even appreciate it. i would definitely not hesitate to choose her over and over again kasi mahal ko siya.

today, i had the longest cry (from as far as i can remember). and today my feelings and my heart are on the ground. today, i should rest and wait for the sun to rise again. good night. :(

5.1.11

NATHAN


Kilala mo ba si NATHAN?

si nathan daw ang ex-boyfriend ko. at oo, lalaki sya na nagpapahiwatig na ako ay bakla. yan ang latest trippings ngayon ng bestfriend ko. at dahil doon ay panay na ang kantyaw ng mga kaibigan ko sa akin na so far okay pa naman at tinatawanan ko na lang. panu nakarating sa mga kaibigan ko sa legazpi? kasi ganito yun, pinabati ko ng happy birthday sa mga kaibigan kong babae na nagpakilalang ex-girlfriend at girlfriend ko si bstfrnd. nagreply si bstfrnd, and pooof... naging bakla na ako. tsktsk. kaya eto tampulan ako (pati si melvin) ng tuksuhan ng pagiging bakla. at habang tinutukso ako ay naiimagine ko na ang tawa ni bstfrnd. parang ganito...



o yung mas mean pa. haha. pero walang kaso yun. gayunpaman, tinatawanan ko na lang sila at biruan lang naman iyon. alam ko ang tunay na kulay ko at hindi ako marunong mangulot. haha.

ps. pag-ako napikon, paghahahalikan ko yung mga kaibigan kong babaeng nang-aasar,

ps ulit. joke lang. haha.

3.1.11

18 na sila.

All the BEST for you bstfrnd and jowhee!
HAPPY BIRTHDAY AGAIN!

1.1.11

Happy New Year!

LOOKING FOR ANOTHER YEAR OF ROCKING AND ROLLING!
2010 was good. 2011 will be BETTER!