1.11.11

first time

this is the first time that we will not be going to Polangui as family to celebrate undas due partly to the fact that mama and papa need some time to rest for they are fresh from Manila because of Dan's continuing chemotherapy sessions. so, ate dianne and i were the emissaries or representatives of mama and papa for our annual undas visit in polangui wherein we got the chance to visit the tomb of my late grandfather and uncle as well. also, it was the perfect time to have some kind of reunion with our relatives, makipaglaro sa mga nakababatang pinsan at makipagkwentuhan naman sa mga ka-edad. nag-enjoy ata kami that's why we decided to deviate from the plan to just go home at the evening of october 31. instead, we spent the night there with our relatives and went home the day after. walang dalang extrang damit, charger, walang-wala kundi mga sarili lang namin. ngapala, we were with uncle aron and baby jandi.


at this juncture, the first time thing will be inserted. magsisinungaling ako kung magsasabi akong hindi ako umiinom or hindi pa ako nakainom dahil ang totoo ay ilang beses na rin akong uminom kasama ang mga kaibigan pero maniwala ka kung sasabihin kong hindi pa ako nalasing simula ng first time kong pag-inom. promise! well, if ilang beses na akong uminom ng kasama ang mga kaibigan eh never pa yung kasama ang kamag-anak not until october 31 when uncle aron invited me together with my other cousins to drink. actually, tinatanong ako kung ano daw ang gusto kong inumin. sabi ko sila na bahala dahil nakakahiya magdemand. mas nakakahiya pa at TI lang ata ang gusto kong inumin. masarap pero may kamahalan. red horse ang binili nila. kahit ayaw ko ng beer ay lumaban ako. una, nakakahiyang umayaw pagkatapos kong pumayag na sasali ako sa kanila. inubos namin ang gabi ng pag-iinom. all-in-all, tatlo at kalahati lang kaming uminom (kalahati dahil umalis si george na pinsan ko at nakiinom sa labas) ng limang bote ng litro (kung litro man yun) ng red horse. good thing, naka-survive ako pero natamaan ako dun pero hindi nalasing. ewan, feeling ko madaya lang talaga akong kainuman or sadyang mataas ang alcohol tolerance ng katawan ko. haha. kung gayon man eh, good for me. kaya pagkatapos ng drinking spree ay naghanap na ako ng tulugan at natulog. may tama eh. buti na lang paggising ko, walang sakit ng ulo, normal ang buhay ko. good for me ulit! wohoooo! haha.


at pinuntahan na namin ang sementeryo, nagsindi ng kandila habang umuulan,nag-ayos ng bulaklak para kay papa doro at tito jun, nag-alay ng dasal at umalis sa pangambang abutan pa ng malakas na ulan. umuwi ng bahay nila lola, pinuntahan si lola sa trabaho at umuwi na papuntang naga. ako dapat magddrive pero hindi ko dala ang lisensya ko. bad thing! haha. anyway, nag-enjoy naman ako sa first time ko. :D

0 comments: