12.9.11

sadness

MALUNGKOT AKO. :(

That’s the shortest way of summarizing what this post is all about. Ewan! Feeling ko bi-polar na din ako katulad ng bestfriend kong si rica. Ewan ulit. Inaamin ko na nag-enjoy naman ako kanina sa 7th foundation celebration ng bicol university college of social sciences and philosophy na inumpisahan ng isang one big boodle fight sa department. It’s such a delight to see the more or less 250 social work students eat in a series of tables barehanded. Sharing food, laughter and chitchats. Meeting new acquaintances, making stronger friendships kumbaga. Walang arte-arte. Walang posisyon. Lahat masaya at lahat maligaya. Masaya at nakakabusong at nakakaenjoy at basta masaya ako. In the afternoon, it was followed by a short program with me joining in the singing (as bass or bajo/baho) of the famous sarong banggi and the one with ‘ikaw lamang ang aking iibigin magpakailanman,’ then followed by an agape of native kakanin foods. Benta ang sa department. Ambilis naubos. At sumunod din ang laro ng lahi na hindi ako nagparticipate pero sa panonood pa lang ay masaya na. Actually, it’s nostalgic because it reminds me of the glory of my childhood days where I actively play patintero and other laro ng lahi. Nakaka-miss.

But then, after the dusts settle kumbaga, I feel that there is something wrong. There is something sad within me. Ewan na naman pero feeling ko narealize ko lang na malungkot ako ng tinawag ako ng Auhm Girls na kasama si Yanie kong mga kaibigan na samahan ko sila sa pagkain at pagkkwentuhan pero tinanong muna nila ako kung okay lang daw ako. Sabi ko, oo. Oo dahil hindi ko pa finifeel na malungkot ako at oo dahil yun naman ang kadalasang sagot ko sa mga taong nagtatanong kung okay lang ako sa mga panahong hindi naman talaga ako okay. Oo na naman dahil hindi ko din alam kung ano ang dahilan at malungkot ako at wala akong maisasagot kapag kinulit ako ng mga babae ng buhay kolehiyo ko. Sabi nga sa text, may mabuti at madali pang magsmile kesa ipaliwanag sa iba ang dahilan kung bakit ka malungkot. Pero feeling ko dahil ito sa pagiging mag-isa ko ng mga nakaraang araw. Mag-isa as in alone, loner at anu-ano pang synonyms. Halibawa, mag-isa kong pagkain sa hapag-kainan. Mag-isang pagsisimba. Mag-isa sa buhay-buhay. Siguro para sa iba ay normal o hindi issue ito pero ang sabi ko nga kay ate edlyn of ERDA na nakasama ko sa Art Therapy Seminar-Workshop, people person ako. Mas gusto kong may kasama kesa nag-iisa. Ayaw na ayaw kong mag-isa kahit pa sabi ni bhem na pinsan ko ay mas solemn magsimba kapag mag-isa. kahit pa matetempt ka na manlibre kapag may kasama kang iba dahil nahihiya ka at kahit pa sarili mo ang oras mo at wala kang icoconsider kundi ang sarili mo. At kahit ano pang pilit kong gawing mindset na maaring ganito ang set-up pagnag-umpisa na akong magtrabaho at pinili ko ang urban jungle ng maynila, nakakalungkot pa rin. Idagdag pa ata ang pagiging homesick at pagiging pagod. Pagiging homesick dahil sa hindi pag-uwi ng nakaraang week at pagod dahil sa kabila’t kanang academic matters to attend to and extra-academic matters to fulfill na sa kasamaang palad ay hindi ko na kinaya at nag-resign na ako bilang chancellor ng Blue Feather Society. Ayaw na! Feeling ko kelangan ko munang magpahinga, mag-unwind at huminga ng mas mapreskong hangin.

Feeling ko malungkot ako dahil I am starting to doubt my very existence as a friend and the importance of me in the circle of friends of my friends. Sabi ko nga, I can define friendship as something that is precious, something that serves as a light in the midst of darkness and something that can bring about happiness, sadness, contentment, contempt, change and so many things to the persons engaged in such relationship. It is something that must be treasured and protected sa paniniwala ko. That no one or nothing can easily take it away from you or your friend. Alam mo yung with every passing second, minute, hour and day, I am starting to believe that with or without me, everything is just the same, no more, no less kumbaga. The world will go around like what it should do and the people around me will spend their day with things that they supposed to do without even knowing or thinking that I am not in the picture. Mahirap at feeling ko umiiral lang ang pagiging emosyonal ko pero feeling ko hindi. Feeling ko hindi ko lang nakikita ang importance ko bilang kaibigan at kulang ang nafefeel kong appreciation sa mga kaibigan ko. Sabi nga ni Mang Andres sa 100 days to heaven, lahat ng tao kailangang makatanggap ng appreciation mula sa iba at kailangan nilang maramdama ang importansya nila. At sabi din ni Maslow sa kanyang hierarchy of needs, na hindi ko ganung katanda ay kasali ang appreciation sa pangangailangan ng tao. Feeling ko yun lang yun.

Pero while I am feeling sad because of that, I can say that I had my new coping mechanism. To lessen my expectations to feel less pain or sadness. Tama baga ang kasabihang expectation hurts. Pansin ko, nung binabaan ko ang expectations ko, gumian ang buhay ko. Mas naging maayos at mas konti ang disappointments. Yun tipong hindi mo kailangang ipagpilitan ang sarili mo dahil wala lang. basta yun tipong okay na to, okay na to. Kung maiisip nila ako, masaya at thank you, kung hindi naman, hindi ganun kasaya pero thank you pa din. Ayaw na. bahala na muna for now. At least, nakapagventilate ako kahit dito muna sa blog.

0 comments: